A blog that discuss random experiences in life, family, friendships and relationships. It hopes to shed light and inspiration in the lowest point of anyone's life by sharing the author's experiences.
Wednesday, January 19, 2011
Grass - April 14, 2008
Kung hahayaan nga namang tumubo ang mga talahib, isa lang ang kahulugan nito: ni isa sa magkaibigan, walang nag-aalaga.
Darating ang panahon na hindi na madadaanan o hindi na makikilala pa ang lugar dahil sa taas ng talahib…o di kaya, baka hindi na sila magkakilanlan sa taas ng mga damo…
Naalala ko ang pagtatabas ng damo (the beautification project a.k.a. prettyfication project na ginawa namin alongside the road leading to Bucana)…
Sana lang, wag nating idamay ang mga magagandang pangyayari ng nakaraan (huwaaatt!!!!)
Whattamean is, wag nating idamay sa galit natin ang mga masasayang nangyari. Yung pagtatawanana dati, iba yun. Kung galit ka ngayon, wag mong idamay yung mga ibinigay at ginawa niya para sa iyo noon.
Pinagsisihan ko dati ang pagpunit ng loveletter…kasi nagalit ako. Pinunit ko na, isinauli ko pa. Pinagsisihan ko yun.
Hindi nga naman kasama yun sa galit ko. Yung mga bagay na pinaglaanan mo ng panahon at pagmamahal, wag mo itapon.
Ang galit, nawawala, pero ang sakit na dulot ng salita at gawa mo, ang magpapagaling dun ay yung mga masasayang alaala ninyong magkaibigan…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment