Wednesday, January 19, 2011

New Beginnings - November 21, 2007


Nakakamiss ang dating samahan…
pero sa kabilang banda…
nakakapagod din ang pakikisama sa kanila…
minsan kasi, masyado silang naging komportable sa pagkatao mo, nalimutan nilang kaibigan ka nila…

ganunpaman…eto…bagong kaibigan…
dating mga kasama…
iba lang ang lugar…
mas suportado ang trabaho, kaunti ang politika…

gaano man kaliit ang boses mo,
nakikinig ang superior mo…
napakasarap na simula…
sana’y magtuloy-tuloy na…

ang sabi ng dati kong kakilala:
"dati na nila ginagawa sa yo yan…ngayon lang naging garapal."
hindi bale, basta, maraming salamat sa pagsubok…
masarap anihin ang bunga ng mabuting pakikisama….

No comments:

Post a Comment